Nagdadrama na naman ba ako?

At 1:24 PM on Saturday, March 24, 2007

Nalulungkot na naman ako. Marami na namang aalis. Aalis na raw c Kuya, at si Popeye Pip Buen ko(na hindi parin umaamin at di ko maintindihan kong mag-ii-stay ba sa New York). Bigla kong naalala kong gaano kalungkot yung mga days and moments na iiwan mo yung mga friends, moments, realtives, palengke, bahay, mga aso ko, and maraming lugar na minahal ko. Yun yung mga panahon na nagpipigil akong umiyak, lalo na nung araw nung flight namen.. yun din yung time na ayaw kong sagutin yung tawag ng mga kaibigan ko habang 2 hours na lang nag natitira

Maybe i have already said some of my feelings from my previous blog.
But still i want to share the hurtful and touching moments that I treasured in my memory.

First was the time when I and my family already decided not to enroll myself to second sem of my nursing at UST anymore because of the planned migration by December or January.

It was hard for me to accept it from the beginning to the end, and so to feed my loneliness and to cope up witht he fact that time is running, I have been the most "lakwatcherang" tao sa Pilipinas those days.
I always hang out with my college friends and barkada. Almost kahit saan cool akong pumunta. One time nung umalis and nanlibre si Mark, pauwi na kami ni Mama San, dun kami sa LRT 2 Station ng Gilmore. Siya pabalik sa dorm niya pauntang Legarda, ako naman papuntang Katipunan. Naghiwalay kami ng way, at nakita ko siya kumakaway sakin sa harap ko. Nung sumakay na siya sa train niya, at ako rin sa train ko, naluha na lang ako bigla. Kasi parang ganun na nga ang mangyayari, na ganun na nga.. na matatangay na kami ng kanya kanya naming tren, at dadalihin kami sa direksyon na hindi kami magkakapareho...ibang landas.. ibang destinasyon..

january 24, manililibre si Helene para sa birthday niya for January 26(the date of our departure). Kumain kami sa yellowcab , and syempre todong picture taking. tapos, biglang nagyaya tong c Mark na pumunta sa condo nia may surprise daw sila para sakin. Pumunta nga kami, and ayon,nilabas nia laptop niya ang pinakita yung ginawa niang video. nagsisimula pa nga lang yung video na ginawa niya naiyak agad ako. kasi(so ang drama ko talaga.hahaha) . panu ba naman Far Away ng Nickelback yung kanta tapos mga moments pa ng Frog Fog ang bida.

Sunod naman, yung sa bestfriend kong c Mommy, the night na by-tomorrow e aalis na ako, nagkita kami. And sa Jollibee pa kami nagkita. May importante kasi akong ibibigay sakanya nun. Meron din daw siyang ibibigay sakin. Tapos naluha na naman ako, pictures namin nila zander at niya na magkakasama. Inabot ko din sakanya yung isa sa mga kayamanan ko.. yung box na mahal na mahal ko na ginamit ko sa retreat nung Days na may mga chorva's na nakalagay. Ngapipigil kaming umiyak, kaya ako.. diretsong sakay ng jeep. at dun na lang nagdrama.

Lahat ng yun di ko makalimutan.
Lahat sila di ko makalimutan.

Lahat.


Lahat lahat.



PS.
Naisip ko rin yung mga yummy boylets ko na maiiwan. Ouch! lalong sumakit ang naramdaman ko.ahehehe..

Love,
bEbAng